Ipinasiya kahapon ng Pambansang Kawanihang Seismolohikal ng Tsina na mula kalagitnaan ng buwang ito hanggang huling dako ng darating na Oktubre, isasagawa ang sistematikong imbestigasyong pansiyensiya sa lindol sa Wenchuan.
Ayon sa salaysay, ang imbestigasyong ito ay ikalawang yugto ng imbestigasyong pansiyensiya sa lindol sa Wenchuan at naglalayon itong ibayo pang ipaliwanag ang dahilan ng lindol na ito, tiyakin ang panganib sa malakas na aftershock sa Wenchuan at mga lugar sa paligid nito at ipagkaloob ang masusing teknolohiya at istandard para sa pagpili ng purok ng rekonstruksyon at pagtatakda ng kakayahan laban sa lindol.
Napag-alamang mula noong ika-12 ng Mayo hanggang ika-30 ng nagdaang buwan, isinagawa ng kawanihang ito ang unang yugto ng ganitong gawain at ipinagkaloob ang saligang impormasyon para sa pangkagipitang saklolo, pagsasaayos ng mga apektadong mamamayan at rekonstruksyon sa nilindol na purok.
Salin: Ernest
|