Nagpalabas ngayong araw ng komentaryo ang pahayagang People's Daily ng Tsina na nagsasabing ang pagtitipid ay isa sa mga tampok sa Beijing Olympic Games.
Anang komentaryo, sa 7-taong paghahanda para sa Beijing Olympic Games, laging nananangan ang Tsina sa prinsipyong magtipid sa pagdaraos ng Olimpiyada. Sa mga venues ng Olimpiyada, isinasagawa ang mga teknolohiyang mapangkaibigan sa kapaligiran at nagtipid ng gastos at enerhiya. Sa konstruksyon ng lunsod naman, isinagawa ang mga hay-tek para sa pangmatagalang paggamit. Ang naturang mga ginawa ay malawak na pinapurihan ng komunidad ng daigdig at kinakatigan ng mga mamamayang Tsino.
salin:wle
|