Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Yan Jiangying, tagapagsalita ng State Food and Drug Administration ng Tsina, na isinasagawa ng kanyang bansa ang espesyal na pagkontrol at pagsusuri sa kalidad ng mga gamot na papasok sa Olympic village at venues. Anya, sa kasalukuyan, kuwalipikado ang lahat ng mga gamot at kagamitang medikal na nasuri na.
Ipinahayag din ni Yan na para maigarantiya ang paggamit ng gamot ng mga manlalaro, panauhin at publiko sa panahon ng Olimpiyada at maharap ang posibleng biglaang pangyayari, magkakasamang isinagawa ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games at mga kinauukulang departamemto ang reserba ng gamot at kagamitang medikal.
Salin:Sarah
|