Sinabi kamakailan ni pangulong Jacques Rogge ng International Olympic Committee o IOC na optimistiko siya sa kalidad ng hangin ng Beijing sa panahon ng Olimpiyada at binigyan niya ng mataas na pagtasa ang isang serye ng hakbanging nagpapabuti ng kapaligiran na isinagawa ng Beijing.
Ayon kay Rogge, batay sa pagmomonitor ng komisyong medikal ng IOC, ang hangin ng Beijing ay hindi magdudulot ng anumang di-mainam na epekto sa mga manlalarong kalahok sa mga paligsahan sa loob ng venues at sa labas sa loob ng isang oras. Para naman sa mga paligsahan sa labas na tatagal nang mahigit 1 oras, isasagawa ng IOC ang agarang pagmomonitor at igagarantiyang walang epekto sa kalusugan ng mga manlalaro.
Salin: Liu Kai
|