Sa preskong idinaos ngayong araw sa Beijing, ipinahayag ng mga opisyal mula sa 6 na co-host city ng Beijing Olympic Games na kinabibilangan ng Qingdao, Hong Kong, Tianjin, Shanghai, Shenyang at Qinhuangdao na handang handa na sa kabuuan ang mga lunsod na ito para sa Beijing Olympic Games.
Ipinahayag ng naturang mga opisyal na may karanasan ang kani-kanilang lunsod sa paghost ng paligsahang pandaigdig at maayos sa kabuuan ang kanilang mga gawain sa pagtatayo ng venues, pag-oorganisa ng paligsahan, paglilingkod sa pagligsahan, paglilingkod sa medya, pangangalaga sa seguridad, komunikasyon sa lunsod at iba pa.
Salin: Andrea
|