Ngayong araw ay ika-20 araw na countdown ng Beijing Olympic Games. Nagpalabas ng artikulo nang araw ring iyon ang pahayagang People's Daily ng Tsina na nagsasabing ang Olimpiyada ay kapistahan ng Beijing at daigdig.
Anang artikulo, ang paglahok ng mga mamamayang Tsino ay isang maningning na pahina ng ideya ng Kilusang Olimpik na "kapayapaan, pagkakaibigan at kaunlaran". Ang Beijing Olympic Games ay nagbigay ng pagkakataon sa daigdig para sa pagkaalam sa Tsina, lalung-lalo na sa matatag na determinasyon ng Tsina sa mapayapang pag-unlad.
Anang artikulo, ang paglahok sa Beijing Olympic Games ng ilampung libong manlalaro, mahigit 30 libong mamamahayag, mahigit 20 libong dayuhang boluntaryo at lahat ng mga kasapi ng International Olympic Committee ay nagpapakita ng komong hangarin ng mga mamamayan ng buong daigdig.
Ayon pa rin sa artikulo, ang ideya, praktika, layunin at bunga ng Beijing Olympic Games ay mag-iiwan ng isang mahalagang yaman sa Kilusang Olimpik.
Salin: Liu Kai
|