Naglakbay-suri kahapon si pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Qingdao, lunsod ng Lalawigang Shandong sa silangang bansa.
Ang Qingdao ay co-host city ng Beijing Olympic Games kung saan idaraos ang sailing events. Naglakbay-suri si Hu sa rehiyong pandagat at sistema ng pagsasaoperasyon at pamumuno ng mga paligsahan. Umaasa siyang buong sikap na igagarantiya ng Qingdao ang matagumpay na pagdaraos ng sailing events para makapagbigay ng ambag sa pagdaraos ng Olimpiyadang may katangian at mataas na lebel.
Naglakbay-suri rin si Hu sa mga bahay-kalakal sa lokalidad. Ipinahayag niyang dapat pabilisin ang pagbabago ng paraan ng pag-unlad ng kabuhayan, palaksin ang pamamahala ng mga bahay-kalakal at buong sikap na isakatuparan ang mainam at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayan.
Salin: Liu Kai
|