Sinabi sa Chengdu ngayong araw ni Hao Kangli, puno ng kawanihan ng estadistika ng lalawigang Sichuan, na sa epekto ng napakalakas na lindol sa Wenchuan, pagkaraan ng Mayo ng taong ito, malinaw na bumagal ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan sa buong lalawigan ng Sichuan. Ngunit, dahil limitado ang lugar at panahon na naapektuhan ng lindol sa paglaki ng kabuhayan, hindi babaguhin ang puntamental na kalagayan ng paglaki ng kabuhayan sa buong lalawigan, at tinayang ang paglaki ng kabuhayan ng Sichuan sa taong ito ay mga 10%.
Ayon sa pagsuri ng pambansang kawanihan ng estadistika ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, ang kabuuang halaga ng produksyon ng lalawigang Sichuan ay umabot sa 538.8 bilyong yuan RMB, na lumaki nang 9% kumpara sa gayong din panahon ng tinalikdang taon, at ang bilis nito ay bumaba nang 4.6% kumpara sa gayong din panahon ng tinalikdang taon.
Salin:Sarah
|