Sinipi ang pananalita ni Liu Qi, Tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games, ng People's Daily na ipinalabas ngayong araw, na nitong 7 taong nakalipas sapul nang matagumpay na pagbi-bid sa Olympic Games, komprehensibong isinasagawa ng Tsina ang tatlong diwang "Green Olympics, Hi-tech Olympics, People's Olympics" para mapasulong ang gawain ng paghahanda at sa gayo'y maaaring ipatupad ang pangako nito sa komunidad ng daigdig.
Sinabi ni Liu na nitong nakalipas na 7 taon, isinagawa ng Beijing ang mahigit 200 hakbangin para kontrulin ang polusyon sa hangin; malawak na ginamit ng Beijing ang hi-tek bunga sa pagtatatag ng pasilidad at iba't ibang larangan ng paghahanda at natamo ang kapansin-pansing bunga sa pagtitipid ng enerhiya sa arkitektura, pangangalaga sa kapaligiran at ekolohiya, sustebleng paggamit ng yaman at iba pang aspekto. Samantala, malawak na napalaganap ang diwa ng Olimpiyada sa buong lipunan.
Salin: Andrea
|