Isinapubliko kahapon ng may kinalamang departamento ng Tsina ang resulta ng pagtasa sa mga apektadong lugar ng napakalakas na lindol sa Sichuan.
Ang mga apektadong lugar ay pinaghati sa tatlong uri batay sa kagrabehan ng epekto. Kabilang dito, ang lahat ng 10 napakagrabeng apektadong lugar ay nasa Lalawigang Sichuan. Sa 41 grabeng apektadong lugar, 29 nasa Sichuan, 8 sa Lalawigang Gansu at 4 sa Lalawigang Shaanxi. 186 naman ang mga karaniwang apektadong lugar.
Salin: Liu Kai
|