Ayon kay Ding Deping, puno ng propesyonal na istasyong meteorolohikal ng Beijing, na mula ngayong araw hanggang ika-20 ng Setyembre ng taong ito, maaaring walang bayad na gumamit ang mga mamamayan ng hotline upang maalam ang lagay ng klima sa mga Olympic venues at tourist spot, paghuhulang meteorolohikal at lagay ng klima ng mga co-host city.
Kasabay ng pagsasaoperasyon ng nasabing hotline, magkakaroon ang Beijing ng 3 hotline ng serbisyong meteorolohikal sa panahon ng Olimpiyada, alalaong baga'y, 68710008, 12121 at 96221. Bukod sa hotline, maaaring malaman ng mga mamamayan ang lagay ng klima sa panahon ng Olimpiyada sa pamamagitan ng radyo, pahayagan, TV, text messages, meteorological website at iba pa.
Salin: Vera
|