Nang kapanayamin siya ng mga mamamahayag kamakailan, binigyan ni Chiharu Igaya, pangalawang tagapangulo ng International Olympic Committee (IOC) ng positibong papuri ang mga gawaing preperataryo sa Beijing Olympic Games.
sinabi ni Chiharu Igaya na sa kurso ng pagsalubong sa Olympic Games, nakaranas ang Tsina sa lindol sa Sichuan, pero, napawi ng mga mamamayang Tsino ang mga di-paborableng epekto at kahirapan na dulot ng lindol at kasiya-siyang natapos ang iba't ibang paghahanda para sa Olympic Games, muling binati niyang maging matagumpay ang Beijing Olympic Games.
Salin: Sissi
|