Ngayong umaga, ang Beijing Olympic torch ay nagsimulang maglakbay sa Zhengzhou, punong lunsod ng Lalawigang Henan sa Sentral Tsina.
Napag-alamang 7.6 kilometro ang kabuuang haba ng ruta ng paghahatid sa Zhengzhou at kalahok sa paghahatid ang 208 torchbearer.
Sa susunod na tatlong araw, naka-iskedyul na maglakbay ang sulo sa Kaifeng, Luoyang, Anyang, 3 ibang pangunahing lunsod ng lalawigang Henan.
Salin: Sissi
|