Pormal na nabuo ngayong araw sa Beijing ang delegasyong pampalakasan ng Tsina sa Beijing Olympic Games. Lumahok sa seremonya ng pagbuo si Liu Yandong, Kasangguni ng Estado ng Tsina.
Ang naturang delegasyon ay binubuo ng 1099 na tao na kinabibilangan ng 639 na manlalaro na lalahok sa lahat ng 28 aytem ng kasalukuyang Olimpiyada.
Ipinahayag ni Liu Peng, Puno ng delegasyong ito at Puno ng Pambansang Kawanihan ng Palakasan ng Tsina, na puspusang magsisikap ang sirkulong pampalakasan ng Tsina sa loob at labas ng mga paligsahan. Binigyan-diin din niyang buong tatag na magbibigay-dagok ang delegasyong Tsino sa paggamit ng analeptic.
salin:wle
|