Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Du Shaozhong, pangalawang puno ng Kawanihan ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Beijing, na nitong mahigit 20 araw na nakalipas, ibayo pang napabuti ang kalidad ng hangin sa Beijing at nagsimulang gumanap ng papel ang mga isinasagawang hakbangin ng Beijing para maigarantiya ang kalidad ng hangin sa panahon ng Olimpiyada.
Ayon kay Du, pagpasok ng buwang ito, karaniwang bumaba nang 20 punto ang air pollution index ng Beijing kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon at maliwanag ding bumagal ang pagtitipun-tipon ng ng mga polutant sa hangin.
Salin: Liu Kai
|