Nanawagan kahapon ang UN sa komunidad ng daigdig na magkaloob ng 335 milyong dolyares bilang tulong sa inisiyal na rekonstruksyon sa nilindol na purok ng Tsina sa darating na 6 na buwan.
Sa isang preskon sa New York, lubos na pinapurihan ni Kemal Dervis, puno ng United Nations Development Programme ang mga hakbanging panaklolo na agarang isinagawa ng Tsina pagkaraan ng lindol. Ipinahayag niyang patuloy na i-oorganisa at kokoordinahan ng UN ang mga lakas na panaklolo ng komunidad ng daigdig para tulungan ang Tsina sa konstruksyon.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Wang Guangya, pirmihang kinatawan ng Tsina sa UN, ang pasasalamat sa makataong tulong ng UN at komunidad ng daigdig sa nilindol na purok ng Tsina. Sinabi rin niyang mahigpit na makikipagkoordina ang Tsina sa UN para mapatingkad ng tulong ng UN ang mas malaking papel sa rekonstruksyon.
Ipinahayag pa ng UN na sa hinaharap, itatakda nito, kasama ng Tsina, ang mas komprehensibong plano sa rekonstruksyon.
Salin:Sarah
|