Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Huo Xuewen, Lupon sa Pag-unlad at Reporma ng Beijing, na handang handa na ang Beijing sa pagkakaloob ng serbisyong pinansyal sa panahon ng Olimpiyada.
Sinabi ni Huo na ang paggamit ng bank cards sa Beijing ay nakaabot na sa lebel sa mga maunlad na bansa. Anya, sa kasalukuyan, sa mga pangunahing lugar ng Olimpiyada, may 1887 bangko na makakatanggap ng mga foreign bank cards at traveler's check at ito ay makakatugon sa pangangailangan ng mga bisita ng loob at labas ng bansa, lalung-lalo na sa pangangailangan ng mga dayuhang bisita sa pagpapalitan ng salapi.
Salin: Liu Kai
|