Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Richard Kevan Gosper, miyembro ng International Olympic Committee at ng Komisyong Tagapagkoordina ng Beijing Olympic Games, na lipos siya ng pananalig sa matagumpay na pagdaraos ng Olimpiyadang ito.
Sinabi ni Gosper na pagkaraan ng dalawang araw na pagbisita sa Beijing, ikinasisiya niya ang gawaing paghahanda ng Beijing para sa Olimpiyada at ipinalalagay niyang handang handa na ang Beijing.
Kaugnay ng mga tampok ng media sa Olimpiyada na gaya ng kalidad ng hangin, sinabi rin ni Gosper na hanggang sa kasalukuyan, wala itong problema at nagkakaroon din ang Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games ng mga hakbangin bilang tugon sa posibleng lilitaw na problemang ito. Positibo rin si Gosper sa mga isinagawa at isinasagawang hakbangin ng Beijing para malutas ang isyu ng kalidad ng hangin.
Salin: Liu Kai
|