Ipinahayag ngayong araw dito sa Beijing ni Jiang Zhixue, direktor ng departamento ng siyensiya at edukasyon ng pambansang kawanihan ng palakasan ng Tsina, na para makalikha ng isang makatarungang kapaligiran ng kompetisyon para sa mga manlalaro ng iba't ibang bansa sa panahon ng Olympiyada, isinasagawa ng Tsina ang isang serye ng hakbangin para mapalakas ang mga gawain laban sa analeptic.
Ayon kay Jiang, ang nasabing mga hakbangin ay kinabibilangan ng pagtatatag ng anti-doping center, pagtatakda ng bagong regulasyon ng parusa, pagpapalakas ng pagsusuri sa analepti at iba pa.
Salin: Sissi
|