Nitong ilang araw na nakalipas, binigyan ng mataas na papuri ng komunidad ng daigdig ang malaking pagsisikap na isinagawa ng Tsina para sa pagdaraos ng isang matagumpay na Olympic Games, at lipos sila ng kompiyansa sa matagumpay na pagdaraos ng Olimpiyadang ito.
Sinabi kamakailan sa Ha Noi ni Nguyen Minh Triet, pangulo ng Biyetnam, na buong lakas na kinakatigan ng kanyang bansa ang Beijing Olympic Games.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga manlalaro na lalahok sa Beijing Olympic Games, ipinahayag ni Susilo Bambang Yudhoyono, pangulo ng Indonesiya, na lipos siya ng kompiyansa sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games.
Nagpalabas ng ulat kamakailan ang Agencia Informativa Iatinoamericana, opisyal ng ahensiya sa pagbabalita ng Cuba,nagsasabing sa ilalim ng pagkatig ng mga mamamayan ng buong bansa, tinutupad ng pamahalaang Tsino ang pangako nito sa komunidad ng daigdig at gawing target nito ang pagdaraos ng isang matagumpay na Olympic Games.
Nang kapanayamin siya ng mga mamamahayag, sinabi ni Raymond IBATA, tagapangulo ng Olympic Committee ng Congo (Kinshasa), na buong tatag na kinakatigan ng mga mamamayan ng kanyang bansa ang pagsisikap na ibinigay ng mga mamamayang Tsino sa pagdaraos ng isang matagumpay na Olympic Games.
Salin: Sissi
|