Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Tang Yunhua, tagapagsalita ng tanggapan ng kaligtasan ng pagkain ng Beijing, na may ganap na kakayahan at kompiyansa ang Beijing na igarantiya ang kaligtasan ng pagkain ng Olimpiyada.
Isinalaysay ni Tang na upang maigarantiya ang kaligtasan ng pagkain ng Olimpiyada, itinatag ng Beijing ang espesyal na mekanismo ng paggarantiya sa kaligtasan ng ganitong pagkain at nag-organisa ng kinauukulang panig na isagawa ang pagsusuperbisa't pamamahala sa mga baseng nagpoprodyus ng pagkain ng Olimpiyada, bahay-kalakal na nagpoprodyus at nagpoproseso ng ganitong pagkain, logistics center at mga konkretong detalya ng konsumo ng pagkain.
Salin: Vera
|