Kakasunod na dumating ng Beijing ang mga dayuhang delegasyong kalahok sa Beijing Olympic Games. Ipinahayag ng mga delegasyon na komprehensibo, maingat at kasiya-siya ang pag-oorganisa ng Olimpiyadang ito.
Ipinahayag ni Hoang Quoc Vinh, miyembre ng advanced group ng delegasyon ng Biyetnam, na lumalampas sa pamantayang pandaigdig ang iba't ibang imprastruktura ng Beijing Olympic Games at ito ay bunga ng napakalaking pagsisikap at laang-gugulin ng Tsina. Nananalig siyang ikakasiya ng mga manlalaro ng iba't ibang bansa ang Olimpiyadang ito.
Binigyan ni Umaru Talba Shua, namamahalang tauhan ng advanced group ng delegasyon ng Nigeria, ng mataas na pagtasa ang kondisyon ng Olympic Village.
Sinabi naman ni Louise Burke, nutritionist ng delegasyon ng Australya na masagana ang mga pagkain sa Olympic Village at ligtas at malinis din.
Salin: Sissi
|