12 libong tao, maaaring sabay-sabay na tumelepono sa mobile phones sa loob ng Bird's Nest
CRI
Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Zheng Xiaoming, namamahalang tauhan ng China Mobile Communications Corporation, na sa loob ng Bird's Nest o Pambansang Istadyum, pangunahing venue ng Beijing Olympic Games, maaaring sabay-sabay na tumelepono sa pamamagitan ng mobile phones ang 12 libong tao.
Ayon sa pagtaya, panonoorin sa loob ng Bird's Nest ng halos 100 libong tao ang mga seremonya ng pagbubukas at pagpipinid ng kasalukuyang Olimpiyada.
salin:wle
|
|