Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Yu Xinwen, Tagapagsalita ng Kwanihang Meteorolohikal ng Tsina, na handang handa na ang kaniyang departamento sa serbisyong meteorolohikal ng Olimpiyada na kinabibilangan ng paggamit ng hakbanging artipisiyal na makaaapekto ng panahon.
Kasabay nito, ipinahayag niya na sa kasalukuyan, ang nabanggit na hakbangin ay nasa yugto ng pagsubok lamang.
Sinabi pa ni Yu na ang pagtaya sa lagay ng panahon ng ika-8 ng buwang ito na bubuksan ang Beijing Olympic Games ay ipapaalam nang 2-3 araw bago buksan ito.
salin:wle
|