Binigyang-diin kamakailan sa Beijing ni pangalawang premyer Li Keqiang ng Tsina na nasa pinal na masusing yugto ngayon ang gawaing paghahanda ng Beijing Olympic Games at dapat ibayo pang palalimin ng mga may kinalamang departamento ang pangangalaga sa kapaligiran, serbisyong medikal, kaligtasan ng pagkain, pagsuplay ng enerhiya at mga iba pang gawain para sa Olimpiyada.
Tinukoy ni Li na ang mainam na kapaligirang ekolohikal ay paunang kondisyon ng tagumpay ng Olimpiyada at ang serbisyong medikal at kaligtasan ng pagkain naman ay mahalagang garantiya dito, kaya dapat isagawa nang mahusay ang mga kinauukulang gawain. Anya pa, dapat igiit ang pagtitipid sa pagdaraos ng Olimpiyada.
Salin: Liu Kai
|