Sinimulan ngayong umaga ang Beijing Olympic torch relay sa Lunsod ng Leshan, ika-2 stop ng torch relay sa Lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina.
Bago ang paghahatid, tahimik na nagluksa nang isang minuto ang mga kalahok bilang pakikidalamhati sa mga biktima sa napakalakas na lindol sa Sichuan.
Ang torch relay ay nilalahukan ng 185 torch bearer na kinabibilangan ng mga tauhang nagbigay ng kapansin-pansing ambag sa gawaing panaklolo sa nilindol na purok.
Salin: Liu Kai
|