Idinaos ngayong hapon ng delegasyong pampalakasan ng Pilipinas ang seromonya ng pagtataas ng watawat sa Olympic Village.
Mga unang dumating na miyembro ng delegasyon, embahador ng Pilipinas sa Tsina at iba pa ang kalahok sa seremonyang ito. Ipinahayag ni Julian Cambacho, nanunuparang puno ng delegasyon, na mataas ang kasiglahan ng mga miyembro at umaasang matutupad ang pangarap nilang makuha ang medalyang ginto sa Beijng Olympic Games.
Magkakahiwalay na lumahok ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng 15 manlalaro, sa boxing, shooting, archery, diving, swimming, teakowdo at iba pang event.
Napag-alaman, lalahok sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympics si pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas.
Salin: Liu Kai
|