Ipinahayag ngayong araw ng namamahalang tauhan ng kinauukulang departamento ng lupong tagapag-organisa ng Olympiyada ng Beijing, na handa na ang Beijing para sa masayang pagtitipon dito sa Beijing ng malaking pamiliya ng Olympiyada na kinabibilangan ng mga panauhin at manlalaro ng iba't ibang bansa.
Sa news briefing na idinaos nang araw rin iyon, sinabi ni Wang Shilin, pangalawang ministro ng international department ng lupong tagapag-organisa ng Olympiyada ng Beijing, na itinatag ng lupong ito ang sentro ng pagtatanggap sa mga panauhin ng daigdig na namamahala sa pag-aarange at pagtatanggap ng mga royal na kinatawan, lider ng bansa at pamahalaan ng iba't ibang bansa, at sa kasalukuyan, maalwa ang pagsasagawa ng mga gawain sa iba't ibang aspekto.
Kasabay nito, ipinahayag niyang pagkatapos ng pagbubukas ng Olympic Village, idinaraos bawat umaga ang regular na pulong ng mga puno ng mga delegasyon. At sa pulong na ito, maaaring iharap ng mga puno ng delegasyon at opisyal ang ilang tanong sa grupo ng lupong tagpag-organisa ng olympiyada ng Beijing sa Olympic Village sa maraming larangang kinabibilangan ng paliparan, komunikasyon, pamumuhay sa Olympic Village at iba pa.
Salin:Sarah
|