Ipinahayag ngayong araw ni Liu Zhi, tagapagsalita ng pamahalaan ng Beijing, na sa panahon ng paghahanda para sa Beijing Olympic Games, inilaan ng Beijing ang 280 bilyong yuan RMB sa konstruksyon ng pangunahing imprastruktura, nakikinabang nang marami dito ang mga normal na mamamayan.
Isinalaysay ni Liu na may tatlong bahagi ang pangkalahatang paglaan ng Beijing Olympic Games. Sa mga ito, kinabibilangan ng mahigit 2 bilyong dolyares na pondo sa pagsasaoperasyon ng paligsahan, halos 13 bilyong dolyares para sa konstruksyon ng Olympic venues at 280 bilyong yuan RMB na laang-gugulin sa pangkalahatang konstruksyon ng lunsod.
Ipinahayag pa ni Liu na ang pangkalahatang konstruksyon ng lunsod ay kinabibilangan ng konstruksyon ng imprastruktura, enerhiya, yamang tubig, komunikasyon at kapaligiran, isagawa ang mga ito kung hindi idaos ang Olympic Games, pero, dahil sa pagdaraos ng Olympic Games, pinaaga nang 2 taon ang mga konstruksyon. Kaya, nakinabang nang marami sa konstruksyon ng Olympiyada ang mga normal na mamamayan.
Salin: Sissi
|