• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-05 12:28:32    
Medyang dayuhan, positibo sa Beijing Olympic Games

CRI
Nitong ilang araw na nakalipas, nagpalabas ang medyang dayuhan ng mga artikulo na nagbibigay ng mataas na pagtasa sa pagsisikap ng Tsina para sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games.

Isinalaysay ng artikulo ng pahayagang Los Angeles Times ng E.U. ang napakalaking pagbabago ng Beijing at ipinalalagay nitong ang paghahanda ng Olimpiyada ay nagbago ng dating atrasadong imahe ng Tsina.

Anang artikulo ng pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore, ang buong sikap na paghahanda ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino para sa Olimpiyada ay nagpapakita ng kanilang kasiglahan at pagsasabalikat ng mga pandaigdigang responsibilidad.

Sa ulat ng Agence France Presse, positibo ito sa mga hakbangin ng pangangalaga sa kapaligiran ng Beijing Olympic Games at anito, gumawa ang Tsina ng malaking pagsisikap para maidaos ang Green Olympics.

Ayon naman sa ulat ng pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Kuba, sa ilalim ng pagsuporta ng mga mamayan, maidaraos ng Tsina ang isang matagumpay na Olimpiyada.

Salin: Liu Kai