Nangulo kaninang hapon si premyer Wen Jiabao ng Tsina sa kinauukulang pulong para talakayin ang hinggil sa pangkalahatang plano ukol sa rekonstruksyon pagkaraan ng napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan ng Tsina.
Tinukoy ng pulong na dapat ipatupad ng rekonstruksyon pagkaraan ng lindol ang scientific outlook on development, igiit ang put people first, paggalang sa kalikasan, may pinlanong pag-unlad at siyentipikong rekonstruksyon.
Ang nabanggit na plano ay sumasaklaw sa 51 bayan, lunsod o rehiyong kung saan napakagrabe o grabeng naapektuhan ng lindol sa lalawigang Sichuan, Gansu at Shaanxi at lumampas sa 19.86 milyon ang populasyon nito.
Salin: Vera
|