Ipinatalastas ngayong araw dito sa Beijing ni Zhang Heping, Puno ng Departamento ng Gawain ng Seremonya ng Pagbubukas at Pagpipinid ng Beijing Olympic Games, na handa na ang lahat para sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games.
Isinalaysay niyang pormal na sisimulan ang seremonya ng pagbubukas sa alas-20 samakalawa sa Bird's Nest o Pambansang Istadyum, pangunahing venue ng Beijing Olympic Games at tatagal nang mga 3 oras.
Sinabi rin ni Zhang na ang pangalan ng pagtatanghal ng seremonya ng pagbubukas ay "Magangdang Olympiyada" at may 2 bahagi ng "maluningning na sibilisasyon" at "epokang may maluningning na bunga". Ipapakita nito pangunahin na, ang mahabang kasaysayan at maluningning na kultura ng Tsina at ayos ng diwa ng mga mamamayang Tsino sa kasalukuyan.
salin:wle
|