• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-07 16:11:55    
Maraming panauhing dayuhan, dumating sa BJ

CRI
Ngayong araw, mga dignitaryong panauhin na mula sa mahigit 50 bansa ay naka-iskedyul na dumating ng Beijing para lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games.

Ang mga panauhin ay kinabibilangan nina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas, Pangulong George W. Bush ng E.U., Punong Ministro Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Nguyen Minh Triet ng Biyetnam, Punong Ministro Samak Suntoravej at Prinsesang Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand, Pangulong Hamid Karzai ng Afghanistan, Pangulong Shimon Peres ng Israel, Punong Ministro Kevin Rudd ng Australia at iba pa.

Darating naman ng Beijing bukas ang mga panauhing dayuhan na kinabibilangan nina punong ministro Yasuo Fukuda ng Hapon, pangulong Nicholas Sarkozy ng Pransya at pangulong Lee Myung-bak ng Timog Korea.

Ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina, mahigit 80 estadistang dayuhan ang kumpirmadong lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games.

salin:wle