• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-10 18:33:45    
Paligsahan ng Beijing Olympic Games, pumasok sa ikalawang araw

CRI

Pumasok ngayong araw sa ikalawang araw ang paligsahan ng Beijing Olympic Games. Hanggang alas-17:40, pinaglabanan na ang siyam na medalyang ginto sa apat na malaking event na gaya ng swimming, shooting, diving at weightlifting.

Kaninang umaga, sa final of men's 400m individual medley, lumikha si Michael Phelps, manlalarong Amerikano, ng rekord na pandaigdig at napasakamay ang medalyang ginto.

Sa final of men's 400m freestyle, napasakamay ni Park Taehwan, manlalarong Timog Koreano, ang medalyang ginto.

 

Sa final of women's 400m individual medley, natamo ni Stephanie Rice, manlalaro ng Australia,ang medalyang ginto.

Napasakamay kaninang umaga ng Holand team ang medalyang ginto sa women's 4?100 freestyle relay.

Napasakamay ni Guo Wenjun ang medalyang ginto sa women's 10m air pistol.

Sa katatapos na women's diving synchronized 3m springboard, napasakamay nina Guo Jingjing at Wuminxia ang medalyang ginto.

Sa paligsahan ng men's shooting trap, napasakamay ni Kostelecky David, manlalaro ng Czech, ang medalyang ginto.

Sa paligsahan ng women's weightlifting 53kg, napasakamay ni P. Jaroenrattanatarakoon, manlalarong Thai, ang medalyang ginto.

At sa katatapos na paligsahan ng women's Track cycling, natamo ni Nicole Cooke, manlalarong Britaniko, ang medalyang ginto.

Salin: Li Feng