Magkakasunod na ipinahayag kahapon ng ilang lider na dayuhan na lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games, na mainam na natapos ng Tsina ang iba't ibang gawaing preparatoryo para sa Beijing Olympics, at kahanga-hanga ang seremonya ng pagbubukas ng Olimpiyadang ito.
Ang naturang mga lider na dayuhan ay kinabibilangan nina pangulong George W. Bush ng Estados Unidos, pangulong Valdis Zatlers ng Latvia, pangalawang pangulong Muhammad Ali Abadi ng Iran, pangulong Filip Vujanovic ng Montenegro, pangulong Shimon Peres ng Israel, PM Thein Sein ng Myanmar at pangulong Hamid Karazai ng Afghanistan.
Salin: Li Feng
|