• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-11 15:49:12    
5 medalyang ginto, pinaglabanan na sa ika-3 araw ng Beijing Olympics

CRI

Pumasok ngayong araw sa ikatlong araw ang Beijing Olympic Games. Hanggang noong alas-14:30 ngayong hapon, pinaglabanan na ang 5 medalyang ginto.

Sa men's 4×100m freestyle relay, napasakamay ng koponang Amerikano ang medalyang ginto at nahigtan ang pandaigdigang rekord.

Sa men's 100m breaststroke swimming, napasakamay ni Kitajima Kosuke, manlalarong Hapones, ang medalyang ginto at nasira ang pandaigdigang rekord.

Sa men's 10m air rifle shooting, napasakamay ni Bindra Abhinav, manlalaro ng India, ang medalyang ginto at ito'y unang medalyang ginto ng India sa indibiduwal na paligsahan ng Olimpiyada. Nasa ika-2 puwesto ang manlalarong Tsino na si Zhu Qinan.

Sa women's 100m butterfly swimming, napasakamay ni Trickett Lisbeth, manlalaro ng Australia, ang medalyang ginto.

Sa women's 400m feestyle swimming, napasakamay ni Adlington Rebecca, manlalarong Britaniko, ang medalyang ginto.

Bukod dito, ipinatalastas ngayong araw ng International Olympic Committee na dahil natuklasan ang paggamit ng analeptic, inalis na ang kuwalipikasyon ni Moreno Maria Isabel, manlalarong Espanyo, sa kasalukuyang Olimpiyada.

Salin: Ernest