Ipinahayag ngayong araw ni Wang Wei, pangalawang tagapangulong tagapagpaganap ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games, na ang insidente ng pang-aatake na naganap kaninang umaga sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ay hindi makakaapekto sa Beijing Olympic Games.
Sinabi ni Wang na mabisang nahawakan na ang naturang marahas na kasong teroristiko at napanumbalik na ang kaayusan sa lugar na pinangyarihan ng insidente. Anya pa, ibayo pang palalakasin ng Tsina ang hakbanging panseguridad sa mga may kinalamang lugar.
Napag-alamang naganap kaninang umaga sa Kuche ng Xinjiang ang teroristikong insidente ng pang-aatake sa istadyon ng pulis. Sa 15 maykagagawan ng insidente, 8 ang pinatay ng pulis, 2 ang nadakip, 2 ang pumatay sa sarili at 3 naman ang tumakas.
Salin: Liu Kai
|