Pumasok ngayong araw sa ikatlong araw ang Beijing Olympic Games. Hanggang noong alas-6 ngayong hapon, pinaglabanan na ang 9 medalyang ginto sa swimming, shooting, weightlifting at diving events.
Sa men's 4×100m freestyle relay, napasakamay ng koponang Amerikano ang medalyang ginto. Sa men's 100m breaststroke swimming, napasakamay ni Kitajima Kosuke, manlalarong Hapones, ang medalyang ginto. Sa women's 100m butterfly, napasakamay ni Trickett Lisbeth, manlalaro ng Australia, ang medalyang ginto. Sa women's 400m feestyle, napasakamay ni Adlington Rebecca, manlalarong Britaniko, ang medalyang ginto.
Sa men's synchronized 10m platform diving, nakakuha ng medalyang ginto ang pares na Tsino na sina Lin Yue at Huo Liang. Sa women's weightlifting 58kg, nakahuha ng medalyang ginto si Chen Yanqing, manlalarong Tsino.
Sa men's 10m air rifle shooting, napasakamay ni Bindra Abhinav, manlalaro ng India, ang medalyang ginto. Nasa ika-2 puwesto ang manlalarong Tsino na si Zhu Qinan.
Sa women's trap shooting ng Beijing Olympic Games ngayong hapon, nakakuha ng medalyang ginto si Makela-Nummela Satu, manlalaro ng Finland. Sa men's team archery ng Beijing Olympic Games na idinaos ngayong araw, napasakamay ng koponang Timog Koreano ang medalyang ginto.
Bukod dito, ipinatalastas ngayong araw ng International Olympic Committee na dahil natuklasan ang paggamit ng analeptic, inalis na ang kuwalipikasyon ni Moreno Maria Isabel, manlalarong Espanyo, sa kasalukuyang Olimpiyada.
|