• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-11 21:32:53    
13 medalyang ginto, pinaglabanan sa ika-3 araw ng Beijing Olympics

CRI
Ngayong araw ay ikatlong araw ng Beijing Olympic Games. Pinaglabanan ang 13 medalyang ginto nang araw ring iyon.

Napasakamay ng mga manlalarong Tsino ang 3 medalyang ginto ngayong araw. Sila ay Lin Yue at Huo Liang sa men's synchronized 10m platform diving, Chen Yanqing sa women's weightlifting 58kg at Zhang Xiangxiang sa men's weightlifting 62kg. Sa gayo'y nananatili ang Tsina sa unang puwesto sa listahan ng medalya na may 9 na medalyang ginto lahat-lahat.

   

   

Sa men's 4×100m freestyle relay, napasakamay ng koponang Amerikano ang medalyang ginto. Sa men's 100m breaststroke swimming, napasakamay ni Kitajima Kosuke, manlalarong Hapones, ang medalyang ginto. Sa women's 100m butterfly, napasakamay ni Trickett Lisbeth, manlalaro ng Australia, ang medalyang ginto. Sa women's 400m feestyle, napasakamay ni Adlington Rebecca, manlalarong Britaniko, ang medalyang ginto.

Sa men's 10m air rifle shooting, napasakamay ni Bindra Abhinav, manlalaro ng India, ang medalyang ginto.

Sa women's trap shooting, nakakuha ng medalyang ginto si Makela-Nummela Satu, manlalaro ng Finland.

Sa men's team archery, napasakamay ng koponang Timog Koreano ang medalyang ginto.

Sa judo event, nakakuha ng medalyang ginto si Quintavalle Giulia, manlalaro ng Italya, sa women's 57kg at nakakuha naman ng medalyang ginto si Mammadli Elnur, manlalaro ng Azerbaijan, sa men's 73kg.

Ang manlalaro ng Italya na si Maria Valentina Vezzali ay naging kampeon naman sa fencing women's individual foil.

Bukod dito, ipinatalastas ngayong araw ng International Olympic Committee na dahil natuklasan ang paggamit ng analeptic, inalis na ang kuwalipikasyon ni Moreno Maria Isabel, manlalarong Espanyo, sa kasalukuyang Olimpiyada.