Ipinatalastas ngayong araw ng pamahalaan ng Lalawigang Sichuan ng Tsina na nakatira na sa mga transisyonal na pabahay ang mahigit 10 milyong apektadong mamamayan ng lalawigang ito na nawalan ng pabahay sa lindol.
Ito ay palatandaang hanggang sa kasalukuyan, tatlong buwan pagkaraang maganap ang naturang lindol, komprehensibong natapos ng Sichuan ang resettlement ng mga apektadong mamamayan sa nilindol na purok.
Salin: Ernest
|