Hanggang sa kasalukuyan, sa 19 na medalyang ginto ngayong araw sa Beijing Olympic Games, pinaglabanan na ang 18.
Napasakamay ng Tsina ang 4 na medalyang ginto at 2 medalyang tanso. Ang mga medalyang ginto ay koponang lalaki sa gymnastic men's team, Wang Xin at Chen Ruolin sa women's synchronised 10m platform diving, Zhong Man sa fencing men's individual sabre at Liao Hui sa weightlifting men's 69kg. Ang dalawa namang medalyang tanso ay Tan Zongliang sa men's 50m pistol shooting at Hu Binyuan sa sa men's double trap shooting.
Pinaglabanan ang 4 na madelyang ginto sa swimming event. 3 ang napasakamay ng E.U. at 1 sa Australya.
Natamo ng Timog Korea at E.U. ang tig-isang medalyang ginto sa shooting event.
Napasakamay ng Hilagang Korea ang medalyang ginto sa weightlifting women's 63kg.
Natamo ng Slovakia ang medalyang ginto sa canoe single men at natamo ng Alemanya ang medalyang ginto sa kayak men.
Nakakuha ng dalawang medalyang ginto ang Rusya sa men's Greco-Roman wretling.
Napasakamay ng Hapon at Alemanya ang tig-isang medalyang ginto sa judo event.
Sa equestrian eventing team na natapos ngayong gabi sa Hong Kong, napasakamay ng koponang Aleman ang medalyang ginto. Ang huling medalyang ginto nang araw ring iyon ay paglalabanan din sa Hong Kong sa equestrian eventing single.
|