Sa ngalan ng US Green Building Council, ginawaran ngayong araw sa Beijing ni Henry Paulson, kalihim ng pananalapi ng E.U., ng gantimpalang ginto para sa pangangalaga sa kapaligiran ang Beijing Olympic Village.
Sa seremonya ng paggagawad ng gantimpala, sinabi ni Chen Zhili, puno ng Beijing Olympic Village, na sa konstruksyon ng mga venues at iba pang imprastruktura ng Beijing Olympic Games, ginamit ang maunlad na ideya sa pagdidisenyo at maraming teknolohiya ng pagtitipid sa enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran, at natamo ang kapansin-pansing bunga.
Ipinahayag naman ni Paulson na dahil sa paggamit ng naturang mga teknolohiya, ang Beijing Olympic Games ay naging Olimpiyadang pinakamapangkaibigan sa kapaligiran.
Salin:Sarah
|