Ngayong araw ay ika-6 na araw ng Beijing Olympic Games at 17 medalyang ginto ang paglalabanan. Hanggang sa kasalukuyan, 6 na medalyang ginto ang pinaglabanan na.
Sa Men's 200m Breast Stroke Final, napasakamay ni Kitajima Kosuke, manlalaro ng Hapon, ang isang medalyang ginto.
Sa Women's 200m Butterfly Stroke Final, napasakamay ang isang medalyang ginto ni Liu Zige, manlalarong Tsino, at ito'y unang medalyang ginto ng paglangoy na natamo ng delegasyong Tsino sa Olimpiyadang ito. Si Jiao Liuyang, isa pang manlalarong Tsino, ay nasa ikalawang puwesto ng paligsahang ito.
Sa Men's 100m Freestyle Stroke Final, napasakamay ni Bernard Alain, manlalaro ng Pransya, ang isang medalyang ginto.
Sa Women's ?×???Freestyle Relay Final, napasakamay ng koponan ng Australia ang medalyang ginto at nahigtan ang pandaigdig na rekord ng event na ito. Ang koponang Tsino ay nasa ikalawang puwesto.
Sa Women's Shooting 50m Rifle Final, napasakamay ni Du Li, manlalaro ng Tsina, ang isang medalyang ginto.
Sa Men's Artistic Gymnastics All-Around Final, napasakamay ni Yang Wei, manlalaro ng Tsina, ang isang medalyang ginto.
|