• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-14 18:47:39    
Ika-6 na araw ng Beijing Olympics, 9 na medalyang ginto na

CRI

 Ngayong araw ay ika-6 na araw ng Beijing Olympic Games at 17 medalyang ginto ang paglalabanan. Hanggang sa kasalukuyan, 9 na medalyang ginto ang pinaglabanan na.

Sa Men's 200m Breast Stroke Final, napasakamay ni Kitajima Kosuke, manlalaro ng Hapon, ang isang medalyang ginto.

Sa Women's 200m Butterfly Stroke Final, napasakamay ang isang medalyang ginto ni Liu Zige, manlalarong Tsino, at ito'y unang medalyang ginto ng paglangoy na natamo ng delegasyong Tsino sa Olimpiyadang ito. Si Jiao Liuyang, isa pang manlalarong Tsino, ay nasa ikalawang puwesto ng paligsahang ito.

Sa Men's 100m Freestyle Stroke Final, napasakamay ni Bernard Alain, manlalaro ng Pransya, ang isang medalyang ginto.

Sa Women's 4×200 Freestyle Relay Final, napasakamay ng koponan ng Australia ang medalyang ginto at nahigtan ang pandaigdig na rekord ng event na ito. Ang koponang Tsino ay nasa ikalawang puwesto.

Sa Women's Shooting 50m Rifle Final, napasakamay ni Du Li, manlalaro ng Tsina, ang isang medalyang ginto.

Sa Men's Artistic Gymnastics All-Around Final, napasakamay ni Yang Wei, manlalaro ng Tsina, ang isang medalyang ginto.

 Sa Women's Skeet ng shooting ng Beijing Olympic Games, napasakamay ang medalyang ginto ni CAINERO Chiara, manlalarong Italyano.

Sa Greco-Roman 84kg, naging kampeon si Andrea Minguzzi, atletang Italyano.

Sa katatapos na Women's Archery, naging kampeon si Zhang Juanjuan, atletang Tsino.

Salin: Sissi