Ngayong araw ay ika-7 na araw ng Beijing Olympic Games at hanggang alas-15 (Beijing time), 6 na medalyang ginto ang pinaglabanan na.
Sa katatapos na Women's 200m Breast Stroke Final ng Beijing Olympic Games, napasakamay ni Rebecca Soni, manlalaro ng E.U., ang isang medalyang ginto at nasira ang pandaigdigang rekord.
Sa Men's 200m Backstroke Final ng Beijing Olympic Games, napasakamay ang isang medalyang ginto at nasira ang pandaigdigang rekord ni Ryan Lochte ng E.U..
Sa men's 200m individual medley swimming ng Beijing Olympic Games na natapos ngayong umaga, nakakuha ng medalyang ginto si Michael Phelps, manlalarong Amerikano at nasira ang pandaigdigang rekord. Ito ang kanyang ika-6 na medalyang ginto sa kasalukuyang Olimpiyada.
Bukod dito, sa women's 100m freestyle swimming ng Beijing Olympic Games, napasakamay ni Britta Steffen, manlalaro ng Alemanya ang medalyang ginto. Sa shooting event ng Beijing Olympic Games na idinaos ngayong umaga, napasakamay ni Artur Ayvazian, manlalaro ng Ukraine ang medalyang ginto sa men's 50m rifle prone position. Sa gymnastics artistic women's individual all-round ng Beijing Olympic Games na natapos ngayong tanghali, napasakamay ni Nastia Liukin, manlalarong Amerikano, ang medalyang ginto.
salin:wle
|