• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-15 22:01:27    
Ika-7 na araw ng Beijing Olympic Games, 15 medalyang ginto na

CRI
Ngayong araw ay ika-7 na araw ng Beijing Olympic Games at hanggang alas-21, 15 na medalyang ginto ang pinaglabanan na.

Sa katatapos na Women's 200m Breast Stroke Final ng Beijing Olympic Games, napasakamay ni Rebecca Soni, manlalaro ng E.U., ang isang medalyang ginto at nasira ang pandaigdigang rekord.

Sa Men's 200m Backstroke Final ng Beijing Olympic Games, napasakamay ang isang medalyang ginto at nasira ang pandaigdigang rekord ni Ryan Lochte ng E.U..

Sa men's 200m individual medley swimming ng Beijing Olympic Games na natapos ngayong umaga, nakakuha ng medalyang ginto si Michael Phelps, manlalarong Amerikano at nasira ang pandaigdigang rekord. Ito ang kanyang ika-6 na medalyang ginto sa kasalukuyang Olimpiyada.

Bukod dito, sa women's 100m freestyle swimming ng Beijing Olympic Games, napasakamay ni Britta Steffen, manlalaro ng Alemanya ang medalyang ginto.

Sa shooting event ng Beijing Olympic Games na idinaos ngayong umaga, napasakamay ni Artur Ayvazian, manlalaro ng Ukraine ang medalyang ginto sa men's 50m rifle prone position.

Sa gymnastics artistic women's individual all-round ng Beijing Olympic Games na natapos ngayong tanghali, napasakamay ni Nastia Liukin, manlalarong Amerikano, ang medalyang ginto.

Sa Men's C-2 Canoe Double Final ngayong araw, napasakamay ng mga manlalaro ng Slovakia na sina HOCHSCHORNER Pavol at HOCHSCHORNER Peter, ang medalyang ginto.

Sa Women's K-1 Kayak Single Final, natamo ni KALISKA Elena, manlalaro ng Slovakia, ang medalyang ginto.

Sa katatapos ng Men's Cycling Track Team Sprint Final ng Beijing Olympic Games, ang team ng Britaniya ay nakakuha ng medalyang ginto.

Sa katatapos na Men's Team Epee Final ng Beijing Olympic Games, natalo ng French Team ang Polish Team na naging kampeon ng event na ito.

Sa katatapos na Women's Judo 78kg Final ng Beijing Olympic Games, si Tong Wen, manlalarong Tsino, ay nakakuha ng medalyang ginto at si TSUKADA Maki, manlalarong Hapones, ay nakakuha ng medalyang pilak.

Sa katatapos na Men's Judo 100kg Final ng Beijing Olympic Games,si ISHII Satoshi, manlalaro ng Hapon, ay nakakuha ng medalyang ginto.

Sa katatapos na Men's 85kg Weightlifting Final ng Beijing Olympics, napasakamay ng manlalarong Tsino na si Lu Yong ang medalyang ginto.

Sa katatapos na Weightlifting Women's 75kg Final ng Beijing Olympic Games, si Cao Lei, manlalarong Tsino, ay nakakuha ng medalyang ginto

sa katatapos na Men's Individual Archery Final ng Beijing Olympic Games, si RUBAN Viktor, manlalaro ng Ukraine, ay nakakuha ng medalyang ginto.

Salin:Sarah