Sa badminton women's singles ng Beijing Olympic Games na idinaos ngayong araw, tinalo ni Zhang Ning ng Tsina ang kanyang kakoponan na si Xie Xingfang at napasakamay ang medalyang ginto. Sa gayo'y si Zhang Ning ay naging kauna-unahang manlalarong nakakuha ng titulo sa badminton singles sa tuluy-tuloy na dalawang Olimpiyadang singkad.
Ito rin ay ika-3 kampeong natamo ng Tsina sa badminton women's singles sa tuluy-tuloy na 3 Olimpiyada.
salin:wle
|