• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-17 16:36:01    
Mga tagasanay na Tsino sa ibayong dagat, di-pampamahalaang sugong pampalakasan

CRI

Sa isang news briefing na idinaos ngayong araw dito sa Beijing, pinapurihan ni Cui Dalin, pangalawang puno ng delegasyong pampalakasan ng Tsina, na ang mga tagasanay na Tsino sa ibayong dagat ay nagiging di-pampamahalaang sugong pampalakasan.

Ipinahayag ni Cui na sa Beijing Olympic Games, nakita ang ilang tagasanay na Tsino sa ibayong dagat, halimbawa, sina Lang Ping, tagasanay ng Women's Volleyball Team ng E.U., Qiao Liang, tagasanay ng Women's Gymnastic Team ng E.U., Tong Hui, tagasanay ng Diving Team ng Australya at iba pa. Nakapagpasulong sila sa palakasang pandaigdig, at nakapagpataas sa kakayahang kompetitibo ng palakasan ng ilang bansa.

Ayon sa pambansang kawanihan ng palakasan, sapul nang ipadala ng Tsina sa kauna-unahang pagkakataon, ang tagasanay sa ibayong dagat noong 1957, nagpadala na ang Tsina ng 2547 tagasanay sa 123 bansa at rehiyon.

Salin: Sissi