• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-08-17 18:31:05    
21 medalyang ginto, pinaglabanan na sa ika-9 na araw ng Beijing Olympics

CRI
Pumasok ngayonga araw sa ika-9 na araw ang mga paligsahan ng Beijing Olympic Games. Hanggang alas-6 kaninang hapon (Beijing time), 21 medalyang ginto ang pinaglabanan na.

Kabilang dito, napasakamay ng delegasyong pampalakasan ng Tsina ang tatlong medalyang ginto.

Sa Wrestling Women's Freestyle 72kg Final ngayong araw, naging kampeon ang manlalarong Tsino na si Wang Jiao.

Sa Men's 50m Rifle 3×40 Final ng Beijng Olympic Games na idinaos kaninang umaga, napasakamay ni Qiu Jian, atleta ng Tsina, ang medalyang ginto.

Sa katatapos na paligsahan ng Women's Quadruple Sculls Rowing ng Beijing Olympic Games, natamo ng mga atletang Tsino na sina Tang Bin, Jin Ziwei, Xi Aihua at Zhang Yangyang, ang medalyang ginto.

Salin: Li Feng