Pumasok ngayonga araw sa ika-9 na araw ang mga paligsahan ng Beijing Olympic Games. Ngayong araw, napasakamay ng delegasyong pampalakasan ng Tsina ang walong medalyang ginto.
Sa Wrestling Women's Freestyle 72kg Final ngayong araw, naging kampeon ang manlalarong Tsino na si Wang Jiao.
Sa Men's 50m Rifle 3×40 Final ng Beijng Olympic Games na idinaos kaninang umaga, napasakamay ni Qiu Jian, atleta ng Tsina, ang medalyang ginto.
Sa katatapos na paligsahan ng Women's Quadruple Sculls Rowing ng Beijing Olympic Games, natamo ng mga atletang Tsino na sina Tang Bin, Jin Ziwei, Xi Aihua at Zhang Yangyang, ang medalyang ginto.
Sa katatapos na paligsahan ng Men's Pommel Horse ng Beijing Olympic Games, napasakamay ng atletang Tsino na si Xiao Qin ang medalyang ginto.
Sa katatapos na paligsahan ng Final Gymnastics Men's Floor Exercise, napasakamay ng atletang Tsino na si Zou Kai ang medalyang ginto.
Sa Final Women's Olympic Team Table Tennis, napasakamay ng Tsina ang medalyang ginto.
Sa katatapos na Final Men's Badminton Singles ng Beijing Olympic Games, naging titulo ang atletang Tsino na si Lin Dan, at ang manlalarong Malaysian na si Lee Chong Wei ay nasa ika-2 puwesto.
Sa katatapos na Final Women's Individual Springboard ng Beijing Olympic Games, napasakamay ng manlalarong Tsino na si Guo Jingjing, ang medalyang ginto.
Salin: Li Feng
|